RSS
 

Wanted: Girlfriend Para Kay D

Kumbaga sa Lucky Me na halos isang taon nang naka-tambak sa cabinet, malapit na ako mag-expire. Parang buntis, malapit na ang due date.

Pero imbes na iyakan ang mga bagay-bagay na wala naman akong mapapala, tutulungan na lang kita humanap ng bagong girlfriend. Wala itong halong bitterness. AND this is just a CHOS.

1. Matangkad. Yung mga 2 inches ang tangkad sa’yo. O mga 6 footer para sure na mas matangkad sayo. Para di ka na magrereklamo na mababa yung pag-hawak sa payong mo. Galit na galit ka pa naman sa araw.

2. May mala-Javelin Thrower na kamay. Para carry niyang haplusin ng 24 hours yung likod mo kapag inuubo ka. Gusto mo yung lagi kang hinahagod sa likod di ba?

3. Yung ubod ng ganda. Para lahat inggit sa’yo. Pero kung gusto mo ng sagad sa ganda, balikan mo lang ako. (HIHI!)

4. May koche. Para di na umaabot ng tatlong oras ang byahe papunta sayo. Para kapag malungkot ka, isang text mo lang, on the way na siya.

5. May time machine. Para ma-itama yung mali. Maulit yung mga masaya, mabura yung mga hindi.

6. Yung marunong mag-sayaw. Dahil hindi ako marunong non.

7.Yung maganda ang boses dahil hindi ako yun.

8. Yung di umiinom para di ka na nakukulitan kaka-paalala na “HWAG IINOM!”. At marunog makinig kapag sinabi mong “TAMA NA!” (Sorry!)

9. Marunong maglaba. Para kapag nauubusan ka ng ano… may maglalaba para sayo.

10. Yung mahal ng nanay at tatay mo. Para malaya kayong gawin ang gusto niyo. Para nakakapag-post kayo ng pictures sa Facebook. Para may sinasama ka sa mga Family gatherings. Para maipagmamalaki mo sa lahat.

12 days to go na lang, open na ang application. Pu@$$%%ng SHET!

 
3 notes

Posted at 11:37am
Tagged 17

 


Notes

  1. graceelicious said: LQ much?:)
  2. dailyhappymeal posted this