Limang araw na ang nakakalipas nang mag-paalam tayo sa 2011 at may halos tatlong daang araw pa para paghandaan ang end of the world. (..l..)
Andaming ganap sa buhay ko noong nakaraang taon. Ako ay naging FRANCHISE OWNER… at nalugi. Naging FAITHFUL GIRLFRIEND… at binreak. (Bitterness Mode: ON!)
Gayunpaman, ayos lang. Ang dami kong natutunan. Sa sobrang dami kong natutunan, wala na akong maalala bukod sa byaheng-Laguna.
Ano pa bang mga nangyare noong 2011? Hmm…
- Sinimulan ko ang taon ng makipag-hiwalay ako kay K. Umiyak, nalungkot pero yun naman ang tama.
- Sinundan ko ang taon kay D. Yes, sa sobrang pogi ko, may pinalit agad. (CHOS) At kami ay naging maligaya. Maligayang-maligaya. MALIGAYANG-MALIGAYA.
- Naging busy sa negosyo. Naranasan kong mamalengke, maghimay ng karne, maghiwa ng sibuyas at makalbo sa kunsumisyon.
- At dahil sa konsumisyon idagdag na ang hindi mabentang sisig, sinara na lang ang negosyo. Pampalubag loob ko ang “Charge it to experience”.
- Ang dami kong binayarang UTANG. Salamat sa naluging negosyo. Sa gabi, tinatapik ko na lang ang sarili ko at humuhugot ng lakas ng loob sa walang kamatayang, “Charge it to experience.”
- Natutong kumain sa mga mamahaling kainan sa Gateway. Paano naman kasi, ANG DAMING HOT. Sa sobrang tuwa namin nila Ken, Jayson at Jon, inaraw-araw namin. Ano yung nagtitipid? Walang tipid-tipid sa taong sabik na sabik. Charot!
- Umalis si Ken, Jon at Jayson. Goodbye Gateway, Hello Lampara (Canteen). Nabago na rin ang mga sinasamahan ko. Hello, Roxan. :)
- New set of friends, new lifestyle. Tropa ulit kami nila Red Horse, T-Ice at The Bar.
- Espesyal ang bawat weekend ng 2011 ko, dahil sayo.
- Wala raw love na nagtatapos ng Happy Ending, kaya bago matapos ang taon, nakipag-break ka sa akin.
Excited na ako sa mga pwedeng mangyare ngayong 2012. Nakahanda na rin ang damit at sapatos ko sa December 21, malay mo end of the world na nga, ayoko namang iwan ang mundo na gusgusin.
So Hello, 2012! Maging mabait ka sa akin!
Cheers!
