Makikiuso lang ng konti sa mga banatero at banatera diyan, since malapit na ang Valentine’s Day. For sure, yung mga magde-date diyan, mapapadaan ng EDSA at habang umiinit ang puwet ninyo sa walang oka-okasyong traffic doon, bakit di mo banatan ng mga pick-up lines si labs di ba?
Para sa mga manliligaw pa lang…
Babe, kay EDSA ka raw a? EDSAken!
Para sa mga diretsong SOGO sa Cubao…
Babe, EDSA ka ba? Gusto kasi kitang maka-bumper to bumper.
Para sa mga torpe…
Alam mo para kang EDSA, mabagal ka pa sa pagong.
Para sa mga bitter…
Alam mo para kang EDSA, bukas sa lahat ng gusto maki-ride!
Para sa di pa rin sinasagot ng nag-mamagandang chick…
Miss, para kang EDSA, baku-bako ka na, ang panghi mo pa!
Para sa may sasabihing mahalagang bagay…
Babe magiging EDSA ka na. Eto Disgrasya… iSA ka ng Ama.
Para sa mga magpo-propose…
Babe, alam mo para tayong EDSA. Made for EDSAther. :)
Para sa mga exag kung mag-mahal…
Alam mo para kang si Vice Ganda… EDSAheradaaaa!
Para sa gusto pa ng One More Chance…
Babe, EDSA ka ba? Kasi I cannot move on.
At para sa mga hopeless romantic…
Alam mo para akong EDSA, andiyan na pero dinadaan-daanan lang.
Okay, ako na corny. Happy Valentine’s! :)
